MCA I silently cut off my friend

Until now I'm feeling guilty because of what I did to my friend (F). I silently cut ties with her kasi I'm secretly inlove with her (I'm also a woman btw). So yeah, I had this friend na gustong-gusto ko talaga pero hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa'kin. I know my place naman and nung close pa kami pinilit ko talaga na magmove-on nalang and chose to keep our friendship. Pero akala ko kaya ko, hindi ko pala kaya. Hindi ko pala kaya na makita na nahanap na niya ang pag-ibig ngunit sa piling ng iba.

Nangyari yung start ng pag-iwas ko sa kaniya simula nung pasukan, bakit? dahil nakita ko na may flinex na siya sa insta. The moment na nakita ko yon ang unang pumasok sa isip ko ay wala na tapos na talaga. I just cried nonstop in my bed that night. I cried kasi hindi ko alam na may ka-talking stage na ulit siya, so parang ako nabigla na makita yon ganon.

Well, may kutob din naman kasi ako na baka alam niya nga na gusto ko siya. We didn't even talk during bakasyon, pati nung malapit na ang end of school year naramdaman ko rin na we're slowly losing our connection.

Fast forward nung first day of school. She approached me and tinanong kung kumusta ako, so sumagot naman ako ng "oo." Pero nung sinabi niya na "I miss you" ewan pero hindi ako makasagot, hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko nang makita ko siya ulit. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na yung iwasan namin. Simula non hindi na rin niya ako pinansin, maybe she took it as parang ayaw ko na sa kaniya? Idk. Kahit yung ibang friends ko sinasabi na she's aware that I have feelings for her, and ayun yung reason ng pag-iwas ko.

Yes I admit na selfish yung ginawa ko and God knows how I wished na sana hindi ko nalang siya cinut off, na sana naging mas matapang ako. Our graduation are almost approaching ilang buwan nalang. I just want to apologize to her personally pero hindi ko alam gagawin, hindi ko alam kung paano ko ulit siya kakausapin. Tama ba na kausapin ko ulit siya? Wala na rin naman akong lugar sa buhay niya eh.

I'm just so proud of her and happy for both of them. Sana sa paggraduate namin, graduate na rin ako sa kaniya. (Isinabuhay ba naman si Carson) 😅